Mga rehiyon at lalawigan
Mga rehiyon at lalawigan ng Pilipinas
Pangunahing lathalain: Rehiyon ng Pilipinas at Lalawigan ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay nahahati sa mga pangkat ng pamahalaang lokal (local government units o LGU). Ang mga lalawigan o probinsya ang prinsipal na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 79 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nahahati pa sa mgalungsod (lungsod) at bayan (munisipalidad), na binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat lokal ng pamahalaan. Ang lahat ng mga probinsya ay nalulupon sa 17 rehiyon para sa kadaliang administratibo. Karamihan sa mga ahensya ng pamahalaan ay nagtatayo ng opisinang rehiyonal para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga rehiyon sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang lokal, maliban sa Muslim Mindanao at Cordillera, na autonomous.
Tumungo sa mga artikulo ng mga rehiyon at mga lalawigan para makita ang mas malaking mapa ng mga lokasyon ng mga rehiyon at lalawigan.
[baguhin]Mga Rehiyon
Luzon
Ilocos (Rehiyon I)
Lambak ng Cagayan (Rehiyon II)
Gitnang Luzon (Rehiyon III)
CALABARZON (Rehiyon IV-A) ¹
MIMAROPA (Rehiyon IV-B) ¹
Bicol (Rehiyon V)
Cordillera Administrative Region (CAR)
National Capital Region (NCR) (Kalakhang Maynila)
Visayas
Kanlurang Visayas (Rehiyon VI)
Gitnang Visayas (Rehiyon VII)
Silangang Visayas (Rehiyon VIII)
Mindanao
Tangway ng Zamboanga (Rehiyon IX)
Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI)
SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII) ¹
Caraga (Rehiyon XIII)
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
¹ Ang mga pangalan ay nasa malalaking titik sapagkat ang mga ito ay akronym na naglalaman ng mga pangalan ng sinasakupang lalawigan at/o lungsod. (silipin Akronym ng Pilipinas).
No comments:
Post a Comment